Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Surigao del Sur

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Surigao del Sur, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang episentro ng lindol sa layong 100 kilometers Northeast ng Hinatuan.

Naramdaman ang pagyanig bandang 2:28 ng hapon.

May lalim ang lindol na 31 kilometers at tectonic ang origin.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala bunsod ng lindol.

Wala ring inaasahang aftershocks sa mga kalapit-bayan.

Read more...