Bilang ng mga fully vaccinated na indibiduwal sa bansa, higit 64.66-M na

PCOO photo

Tuluy-tuloy pa rin ang pagkakasa ng COVID-19 vaccination program sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay PCOO Secretary at acting Presidential spokesperon Martin Andanar, base sa National COVID-19 Vaccination Dashboard hanggang March 15, umabot na sa 64,660,228 ang bilang ng mga indibiduwal na fully vaccinated laban sa nakahahawang sakit.

Katumbas aniya ito ng 71.84 porsyento ng target population.

Nasa 69,844,400 katao naman o 77.60 porsyento ng target population ang nakatanggap ng unang dose ng naturang bakuna.

Samantala, 11,224,502 indibiduwal naman ang naturukan ng booster shot bilang dagdag-proteksyon laban sa COVID-19.

Dahil dito, umabot na sa 139,066,734 ang kabuuang bilang ng vaccine doses na na-administer sa bansa.

Read more...