Regulasyon sa online sabong, higpitan kung ayaw suspindihin – Ping Lacson

Sinabi ni Partido Reporma presidential aspirant Panfilo Lacson na higpitan na lamang ang mga regulasyon na gumagabay sa online sabong, kung ayaw itong suspindihin pansamantala ng gobyerno.

Ayon kay Lacson, kung ikinakatuwiran na kumikita ang gobyerno sa operasyon ng online sabong, kailangan intindihin din ang mga idinudulot o epekto nito.

“Maraming OFWs, hindi makauwi kasi naubos na ang pamasahe pauwi. Maraming mga bata nalulong, mga magulang ang sumasagot ng kanilang gastos sa e-sabong. May mga nag-suicide, may mga pulis nalulong, naghoholdap,” banggit nito.

Kayat panawagan niya, higpitan ang mga regulasyon at hindi rin tama aniya na 24 oras ang online sabong.

“Ang masama kasi kapag online, pag online sabong, yan ang masama kasi walang control e, nobody can monitor  anymore kasi GCash, Paymaya, direct bet so paano mo mamomonitor?” dagdag pa ni Lacson.

Pagdidiin nito dapat ay maghigpit ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa kanilang ‘regulatory authority’ sa online sabong.

 

Read more...