Kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 462.03 milyon na

Reuters photo

Mahigit 500,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 462,034,300 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Pinakamarami pa ring naitalang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos na may 81,244,936 cases.

Sumunod ang India na may 42,998,938 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 29,432,274 naman ang kaso sa Brazil habang 23,649,615 ang napaulat na kaso sa France

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 19,820,181
– Germany – 17,567,738
– Russia – 17,412,919
– Turkey – 14,600,683
– Italy – 13,489,319
– Spain – 11,260,040

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,073,766 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 395,136,113 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...