Hirit na P200 monthly allowance sa mahihirap na pamilyang Filipino, aprubado na

PCOO photo

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng Department of Finance (DOF) na bigyan ng P200 monthly allowance o ayuda ang mga mahihirap na pamilyang Filipino sa buong bansa.

Ito ay para makaagapay ang mahihirap na Filipino sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar, inaprubahan ng Pangulo ang dalawang rekomendasyon ng DOF.

Una ang dagdag na ayuda at pangalawa ang hindi pagsuspende sa excise tax na ini-impose ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN).

Kapag sinuspinde aniya ang excise tax, mababawasan ang koleksiyon ng gobyerno ng P105.9 bilyon na magpopondo sa mga programa ng pamahalaan.

Read more...