Mas pinaigting na seguridad kontra cybercrime, iniutos ng BSP sa mga bangko

 

Ikinakasa na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagpapatupad ng karagdagang regulasyon para sa mga bangko upang obligahin ang mga ito na mas patibayin ang kanilang seguridad laban sa cybercrimes.

Ayon kay BSP Deputy Governor Nestor Espenilla Kr., ito ay dahil sa patuloy na inaatake ng mga cybercriminals ang mga financial institutions sa buong mundo.

Ibinatay nila ang planong ito sa kanilang comprehensive review noong 2014 kung saan napag-alaman nilang ang mga bangko dito sa bansa ay madaling masalakay ng cybercriminals at bukas sa mga cyberattacks.

Samantala, inaasahan naman nilang bababa na ang kaso ng mga ATM fraud at credit card skimming oras na maipatupad na ang paglalagay ng EMV chips sa mga ATM cards na magsisimula sa Enero ng susunod na taon.

Aminado sila na mula sa mga dati nilang tinututukan na fraudsters ng ATM, mas nagiging komplikado na ang mga pamamaraan ng mga kawatan upang makapag-nakaw ng pera mula sa mga bangko.

Nanawagan rin ang BSP sa mga bangko na agad i-ulat sa kanila sakaling mabiktima ang mga ito ng cyberattack, bago pa man gumawa ng sariling imbestigasyon.

Read more...