Bagamat
Ayon kay Chinese Foreign Ministry-Department of Treaty and Law Director General Xu Hong, nag-mistulang palabas na lamang ang inihaing kaso ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng agawan sa teritoryo.
Aniya pa, walang sinuman ang magse-seryoso sa resulta ng isang palabas tulad nga ng South China Sea arbitration.
Iginiit pa ni Xu na hindi mababago ng desisyon ng arbitration court ang posisyon ng China sa isyung ito, at handa silang lumaban sakaling may gumamit nito bilang katwiran sa paggamit ng pwersa laban sa kanilang soberanya.
Ayon pa kay Xu, umaasa ang China na mapagtanto ng Pilipinas ang pagkakamali nito at bumalik na lamang sa tamang pamamaraan ng pagreresolba ng isyu tulad ng negosasyon at konsultasyon.
Una nang nagpahayag ang kinatawan ng pamahalaan ng China na umaasa silang manumbalik ang kanilang bilateral relations sa Pilipinas sa ilalim ng papasok na administrasyong Duterte.Sea.