Inirerekomenda ng Department of Finance (DOF) na bigyan ng P200 ayuda kada buwan ang mga mahihirap na pamilyang Filipino.
Pahayag ito ng DOF sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa Talk to the People, sinabi ni Finance Sec. Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na ayuda na lamang ang kailangan na ibigay dahil hindi maaring suspendihin ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
Aniya ibibigay ang ayuda sa loob ng isang taon sa 50 porsiyento ng kabuuang bilang ng mahihirap na pamilya.
Aabot aniya sa P33. 1 bilyon ang kailangan na pondo para sa subsidiya.
Pag-amin ni Dominguez, hindi sapat ang ayuda pero malaking tulong na rin para makaagapay sa pang-araw-araw na pamumuhay.
MOST READ
LATEST STORIES