Niyanig ng 5.3 magnitude na lindol ang Occidental Mindoro kaninang 8:09 kanina.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim na 11 kilometers ang lindol at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang naiulat na nasira ng ari-arian matapos ang lindol.
Nabatid na ang nangyari ng lindol ay aftershock ng 6.4 magnitude na lindol sa Oriental Mindoro noong Lunes.
MOST READ
LATEST STORIES