MRT-3, nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng commuters

Naserbisyuhan ang 247,745 na pasahero sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) noong Lunes, March 14.

Pinakamataas ito simula nang magbalik-operasyon sa rail line noong Hunyo noong taong 2020.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, resulta ito ng mas pinataas na passenger capacity, mas mabilis na pagbiyahe ng mga tren, at pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga running at operational na train set sa linya.

Sa ngayon, 17 hanggang 21 ang average train sets na napapatakbo sa linya.

Siniguro ng pamunuan ng MRT-3 na mahigpit na ipinatutupad ang minimum public health and safety protocols sa buong rail line.

Read more...