Umiiral pa rin ang Easterlies o mainit na hanging nagmumula sa Karagatang Pasipiko sa buong bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ana Clauren, asahan ang mainit at maalinsangang panahon bunsod ng naturang weather system, lalo na sa umaga hanggang tanghali.
Pagsapit ng hapon at gabi, mataas aniya ang tsansa na makaranas ng mga panandaliang pag-ulan, pagkidlat o pagkulog.
Sinabi naman ni Clauren na walang binabantayang sama ng panahon makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
MOST READ
LATEST STORIES