Mamimili pa ang administration coalition sa pagitan nina Senador Alan Peter Cayetano at Aquilino ‘Koko’ Pimentel upang ipantapat kay Senate Presidente Franklin Drilon.
Ito ang inihayag ni Senador Cynthia Villar.
Si Villar ay kabahagi ng Nacionalista Party na nakipag-alyansa na sa PDP-Laban ni presumptive President Rody Duterte.
Ayon kay Villar, bamagat hindi pa sigurado, tiyak aniyang magkakaroon sila ng kandidato para sa Senate President.
Si Pimentel ang presidente ng PDP-Laban samantalang si Cayetano ay miyembro ng NP na binuo ng dating senador Manny Villar na asawa ng senadora.
Samantala sa Kamara naman, kampante si Sen. Villar na makukuha ng bagong administration coalition ang House Speakership dahil sa umaabot sa 50 ang miyembro ng kanilang partido.
Nakatakda rin silang makipag-alyansa sa National Unity Party at maging sa ilang mga party-list groups.
Sa House Speakership, si Davao Del Norte Rep. Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez ang kanilang itutulak para maging Speaker of the House sa susunod na Kongreso.