Inihain ng kampo ng kandidato sa pagka-alkalde ng Meycauayan, Bulacan na si Judy Alarilla ang protesta matapos matalo sa bilangan ng boto sa kalaban nito na si Henry Villarica.
Si Villarica ay ipinroklama ng Comelec bilang Mayor-elect ng Maycauayan makaraang tumanggap ng 67,588 votes.
Samantala, 23,913 votes lamang ang nakuha ni Alarilla.
Gayunman, giit ni Atty. Ace Bautista, abugado ni Alarilla, dapat magkaroon ng recount sa mga boto makaraang hindi umano magtugma ang ilang mga voters receipt sa aktuwal na mga ibinoto ng mga botante sa naturang bayan.
Naging matindi din umano ang mga insidente ng ‘vote-buying’ sa naturang lugar bago ang eleksyon.
Hiling pa ng kampo ng natalong kandidato, dapat ilipat ang lahat ng mga election paraphernalia mula sa Meycauayan, tungong main office ng Comelec sa Intramuros, Maynila upang dito isagawa ang recount.