Taxi nagliyab sa Mindanao Ave., Quezon City

 

Natupok ng apoy ang isang taxi sa may kahabaan ng Mindanao Ave. sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City.

Naganap ang insidente dakong alas-7:00 ng gabi, Martes, pero agad naman itong narespondehan at hindi rin naman gaanong nagtagal ang pag-apula dito.

Ayon sa driver ng taxi, bigla na lamang nagliyab ang harapan ng sasakyan habang siya ay may pasahero.

Wala namang nai-ulat na nasaktan sa pangyayari pero nagdulot ito ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa lugar.

Iniimbestigahan na rin ng mga otoridad ang naging sanhi ng biglang pagliyab ng sasakyan.

Read more...