Estudyante, inaresto dahil sa sex video extortion

 

Natimbog ng mga tauhan ng PNP ACG o Anti-Cybercrime Group ang isang college student sa isang entrapment operation sa Bgy. Balibago, Sta Rosa City, Laguna kahapon.

Inireklamo ng mga biktimang kaklase ng suspek na nakilalang si Adonis Evan de Leon ng Silang, Cavite na matapos niyang pasikretong kuhanan ng video ang mga ito habang nagtatalik sa isang class outing sa Batangas kamakailan.

Nagbanta ang suspek na iupload sa internet at sa social media ang sex video kapag hindi siya binigyan ng P30 libong piso.

Ayon kay PNP ACG Dir. PSSupt Guillermo Eleazar, sa pakikipag tulungan ng 2 biktima ay naaresto ang suspek sa isinagawang entrapment operation.

Nakipag kasundo ang mga biktima sa suspek na ibibigay ang hinihingi nitong pera sa pamamagitan ng remittance company at nang kukubrahin na ni De Leon ang pera ay nagulat ito nang arestuhin ng mga naka-abang na mga opisyal ng PNP-ACG.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism o Anti-Cybercrime Prevention Act of 2012 at robbery extortion ang suspek.

Read more...