Dalawang pulis, tinamaan ng COVID-19

Nasa 11 pa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Martes (March 15), dalawang pulis ang bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dalawang pulis din ang gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, nasa 48,834 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya, habang 48,695 naman ang total recoveries.

Samantala walang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...