Lagpas 6.06 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,067,716 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 991,038.
Sumunod na rito ang Brazil na may 655,326 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 516,005 naman ang death toll sa India habang 361,344 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 321,115
– Peru – 211,579
– United Kingdom – 162,873
– Italy – 156,997
– Indonesia – 152,437
– France – 140,294
– Colombia – 139,315
– Iran – 139,063
– Argentina – 127,257
– Germany – 126,245
– Poland – 113,444
– Ukraine – 107,184
– Spain – 101,135
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 460,214,224 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 393,540,749 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.