Mag-ina patay sa sunog sa Cavite

Patay ang mag-ina sa sunog sa General Trias, Cavite.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasawi ang isang 31-anyos na ginang at anak nitong dalawang taong gulang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng BFP, nagsimula ang sunog sa music lounge and KTV bar sa Brgy. Manggahan.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog bago naapula ng mga tauhan ng BFP.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BFP sa sanhi ng sunog.

 

Read more...