Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na i-endorso ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo sa eleksyon sa Mayo 9.
Ayon kay Cabinet Secretary Melvin Matibag, may itinatakdang standards ang Pangulo sa mga kandidatong papalit sa kanyang pwesto.
Una rito, sinabi ng Pangulo na hinahanap niya sa mga kandidati ang pagiging compassionate, decisive at magaling humusga sa tao at isang abogado.
Bukod kay Robredo, isaagn abogado rin ang presidential candidate na Jose Montemayor Jr.
Sa ngayon, sinabi ni Matibag na neutral ang Pangulo.
Wala pa aniyang nababanggit ang Pangulo kung sino ang i-endorso.
Maging aniya ang kanilang partido na PDP-Laban ay wala pang napipiling presidential candidate.
Aminado naman si Matibag na ilang presidential candidates na ang nagpahayag ng kagustuhan na makausap ang Pangulo.