Quezon City, dalawa pang lungsod, finalists sa One Planet City Challenge

Pasok ang Quezon City bilang isa sa finalist sa One Planet City Challenge ng World Wide Fund for Nature.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, isang malaking karangalan na mabigyan ng pagkilala ang lungsod.

Ang OPCC ay isang global competition sa pangunguna ng WFF na kumikilala sa mga lungsod para sa kanilang climate action at ambition.

Bukod sa Quezon City, pasok din bilang finalists ng Pilipinas ang Davao City at Dipolog City.

Nabatid na aabot sa 280 siyudad mula sa 50 bansa ang kalahok sa nasabing kompetisyon.

 

Read more...