Nangangamba ang isang election watchdog na madomina na ang sistema ng mga tinawag nilang pekeng partylist groups dahil sa kaugnayan ng mga ito sa mga political dynasties, traditional politicians at milyonaryo o bilyonaryo.
“What we observed is an invasion of the partylist system by elite interests representing political dynasties, big business, and corrupt forces. If this continues unabated, from invasion, the partylist system will eventually be fully occupied by fake partylists,” sabi ni Vec Alporha, assistant professor sa University of the Philippines – Los Baños at isa sa mga convenor ng Partylist Watch.
Ayon sa grupo bagamat marami ang itinuturing nilang kuwestiyonableng partylists, may siyam na sinabi nilang kilabot na halimbawa.
Ito ang Duterte Youth, Mocha, Turismo, Frontliners and Bida, Dumper PTDA, 1-Pacman, LPGMA, Alona at Sambayanan.
Inilahad din nila ang mga tinawag nilang ‘Fake PL Detector’ para magsilbing gabay sa pagboto ng partylist groups.
Una, anila, ay pinatatakbo ng mga political dynasties o mayayaman, walang track record sa pagtataguyod ng mga sektor at nasangkot sa katiwalian at paglabag sa mga karapatang pantao.
“These groups have exemplified the most blatant abuse of the partylist system: to expand their political dynasties and protect their business interests. Voters should not think twice in rejecting these fake partylist groups,” dagdag pa ni Alorpha.
Base aniya sa kanilang pag-aaral, sa 177 partylists na kalahok sa papalapit na eleksyon, 92 ang bago, 85 ang sumabak na sa mga nagdaang eleksyon.
Halos kalahati ng bilang ay pinamumunuan ng political dynasties, may 36 ang nauugnay sa mga dating pulitiko o opisyal ng gobyerno at 26 ang nauugnay sa mga malalaking negosyo.
May walang bagong partylists ang pinamumuan ng mga dating naitalaga ni Pangulong Duterte na walang dating kaugnay sa anumang partylist.