Sinupalpal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang kampo ni Vice Preisdent Leni Robredo sa patuloy na pagtanggi na may kaugnayan ang kanilang grupo sa Communist Party of the Philippines, New Peoples Army at National Democratic Front.
Ayon kay NTF-ELCAC spokesperson at Undersecretary Lorraine Badoy, dapat na manahimik na lamang ang kampo ni Robredo.
Dapat aniyang itigil na ng kampo ni Robredo ang pang-iinsulto sa talino ng mga Filipino at pagkukunwari na wala itong alyansa sa komunistang grupo.
Sinabi pa ni Badoy na sapat na ang pag-endorso ni CPP founder Joma Sison sa kandidatura ni Robredo.
Hindi na aniya dapat na magpaka-ipokrito ang kampo ni Robredo at magkunwaring malinis na walang ugnayan sa CPP-NPA-NDF.
Maging aiya ang Makabayan bloc na urban operatives ng komunistang grupo ay naghayag na rin ng suporta kay Robredo.