Pinoy teacher, patay sa pananambang sa Mozambique

 

Mula sa Google Maps

Nasawi ang isang Pilipinang guro makaraang tambangan ng mga rebelde ang kanilang sinasakyang pampasaherong bus sa bansang Mozambique.

Ayon sa ulat, sinasabing mga kasapi ng Renamo rebels ang pasimuno ng pananambang sa naturang sasakyan kung saan bukod sa hindi kinilalang biktima ay may apat pang nasaktan sa insidente.

Malapit umano sa kuta ng mga rebelde sa Murrotone, Mozambique naganap ang krimen.

Bago ang pamamaril, tinangka umanong pahintuin ng mga rebelde ang bus ngunit hindi umano ito huminto kaya’t pinagbabaril ito ng mga kriminal.

Ang Renamo group ay insurgent group na nag-ooperate sa Mozambique at siya ring pinakamalaking opposition party sa bansa.

Read more...