Easterlies, umiiral sa bansa

DOST PAGASA satellite image

Umiiral pa rin ang Easterlies sa buong bansa.

Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Samuel Duran, nagdudulot ang nasabing weather system ng maalinsangang panahon.

Ngunit, maari pa rin aniyang makaranas ng thunderstorms lalo na sa hapon o gabi.

Asahan aniya ang pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat at pagkulog, lalo na sa Silangang bahagi ng bansa.

Samantala, sinabi ni Duran na walang inaasahang sama ng panahon na papasok o mabubuo sa teritoryo ng bansa.

Read more...