Bilang ng fully vaccinated na katao kontra sa COVID-19, higit 64.54 milyon na

Photo credit: Mayor Oscar “OCA” Malapitan/Facebook

Tuluy-tuloy pa rin ang pagkakasa ng COVID-19 vaccination program ng gobyerno sa bansa.

Base sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang March 14, umabot na sa 64,540,840 ang bilang ng mga indibiduwal na fully vaccinated sa nakahahawang sakit.

Simula March 7 hanggang 13, 849,950 ang nadagdag sa naturang datos.

Samantala, 606,444 katao naman ang nabigyan ng booster shot o karagdagang dose simula March 7 hanggang March 13.

Dahil dito, umabot na sa 11,160,537 katao ang nakatanggap ng booster shot.

Read more...