Nakaalis na sa Warsaw, Poland ang babaeng Filipino kasama ang anak na lalaki pauwi ng Pilipinas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagmula ang mag-ina sa Ternopil, Ukraine at lumikas dahil sa tumitinding tensyon.
Nakabiyahe ang mag-ina sakay ng Emirates flight via Dubai noong March 12.
Tinanggap ang mag-ina sa temporary shelter ng embahada sa Lviv, Ukraine at sinamahan papunta sa Ukrainian-Polish border noong March 8.
Patuloy naman ang pagtulong ng Philippine Embassy sa Warsaw sa mga nalalabing Filipino sa Ukraine na nais ma-repatriate.
Hinikayat ang mga nalalabing Filipino na tumawag sa embahada sa lalong madaling panahon.
Sa ngayon, nakasailalim ang Ukraine sa Alert Level 4 o Mandatory Evacuation.
MOST READ
LATEST STORIES