Base sa resulta, nakakuha si Duterte ng 53 porsyento, sumunod si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na may 24 porsyento.
Pangatlo naman sa vice presidential race survey si Sen. Kiko Pangilinan na may 11 porsyento, pang-apat si Dr. Willie Ong na may anim na porsyento, at pang-lima si Lito Atienza na may isang porsyento.
Samantala, sa second choice vice presidential preference, nanguna si Sotto na nakakuha ng 31 porsyento.
Sa pamamagitan ng face-to-face interviews, isinagawa ang survey sa 2,400 representative adults simula February 18 hanggang 23, 2022 na may ± 2% error margin sa 95 porsyentong confidence level.