Tinamaan ng COVID-19 si dating U.S. President Barack Obama.
Sa Twitter, inanunsiyo ni Obama na nagpositibo siya sa nakahahawang sakit.
Ilang araw na aniya siyang nakararanas ng pangangati ng lalamunan, ngunit tiniyak nito na maayos ang kaniyang kalagayan.
“Michelle and I are grateful to be vaccinated and boosted, and she has tested negative,” saad nito.
Sinabi ni Obama na nagsisilbi itong paalala upang magpabakuna ang mga hindi pa nakakatanggap ng COVID-19.
“It’s a reminder to get vaccinated if you haven’t already, even as cases go down,” ani Obama.
MOST READ
LATEST STORIES