Lebel ng tubig sa Angat dam at iba pang dam sa bansa, bahagyang tumaas

Bumaba muli ang antas ng tubig sa ilang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Base sa datos ng PAGASA Hydrometeorology Division hanggang 6:00, Lunes ng umaga (March 14), bahagyang bumaba ang lebel ng tubi sa Ipo dam (98.77 meters), San Roque dam (240.36 meters), at Pantabangan Dam (191.67 meters).

Nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Angat dam na nasa 194.11 meters.

Gayunman, mababa pa rin ito ng 17.89 meters kumpara sa Normal High Water Level na 212 meters.

Nadagdagan din ang lebel ng tubig sa La Mesa dam (78.37 meters), Ambuklao dam (746.19 meters), Binga dam (575.31 meters), Magat dam (169.77 meters), at Caliraya dam (287.58 meters).

Read more...