11 pulis, nagpapagaling pa sa COVID-19

May 11 pang pulis na patuloy na nagpapagaling sa COVID-19, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (March 14), isang pulis ang bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Wala namang pulis na bagong gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, nasa 48,832 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya, habang 48,693 pa rin ang total recoveries.

Samantala wala ring bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...