Kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 458.49 milyon na

Reuters photo

Mahigit 458.49 milyon na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 458,498,808 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Pinakamarami pa ring naitalang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos na may 81,174,677 cases.

Sumunod na rito ang India na may 42,993,213 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 29,368,776 naman ang kaso sa Brazil habang 23,514,144 ang napaulat na kaso sa France

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 19,530,485
– Russia – 17,335,186
– Germany – 17,240,479
– Turkey – 14,551,665
– Italy – 13,373,207
– Spain – 11,223,974

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,065,927 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 391,561,975 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...