Tumama ang magnitude 6.4 na lindol sa Lubang, Occidental Mindoro Lunes ng madaling-araw.
Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 110 kilometers Northwest ng Lubang dakong 5:05 ng madaling-araw.
May lalim na 29 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang Intensity 3 sa Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City, at Makati City habang Intensity 2 naman sa Talisay, Batangas.
Narito naman ang napaulat na instrumental intensities:
Intensity 3 – Calumpit, Bulacan; Guagua, Pampanga; City of Olongapo; Carmona, at City of Tagaytay, Cavite; City of Calapan, Oriental Mindoro
Intensity 2 – City of Las Piñas; City of Marikina; City of Muntinlupa; Quezon City; City of Pasig; Baler, Aurora; City of Malolos, Marilao, Pandi, Plaridel, San
Ildefonso, at San Rafael, Bulacan; City of Gapan, at City of Palayan, Nueva Ecija; Iba, Zambales; Batangas City, at Talisay, Batangas; Dolores, at
Gumaca, Quezon; Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity 1 – City of Parañaque; Pateros; City of Dagupan; Doña Remedios Trinidad, Bulacan; City of Cabanatuan, at San Jose City, Nueva Ecija; Magalang,
Pampanga; City of Tarlac, Tarlac; Los Baños, Laguna; Infanta, Lucban, Mauban, Mulanay, at Polillo, Quezon; San Jose, Occidental Mindoro; Roxas, Oriental
Mindoro; City of Puerto Princesa
Walang napaulat na pinsala sa mga nabanggit na lugar.
Ngunit babala ng Phivolcs, maaring makaranas ng aftershocks matapos ang malakas na lindol.