313 unibersidad, nagsasagawa na ng in-person classes

Nasa 313 unibersidad ang nagsasagawa na ngayon ng in-person classes.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Commission on Higher Education chairman Prospero de Vera nasa 1,000 degree programs na ang in-person classes.

Ayon kay de Vera, nasa 100 percent capacity na ng classroom facility ang mga eskwelahan na nasa Alert Level 1 dahil sa mababa na ang kaso ng COVID-19.

Ibig sabihin, mawawala na aniya ang distancing ng mga upuan sa pagitan ng mga estudyante.

Ayon kay de Vera, mas marami pang kolehiyo at unibersidad ang magbubukas na ng in-person classes pagdating ng School Year 2022-2023.

Read more...