Pitmaster Foundation, may donasyong P20-M homecare kits

Photo credit: Pitmaster Foundation/Facebook

Libu-libong COVID-19 homecare kits ang natanggap ng mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila mula sa Pitmaster Foundation.

Ang homecare kits ay magagamit ng COViD 19 patients na sa bahay na lamang magpapagaling.

Layon na rin ng homecare kits na hindi na lumubo pa ang bilang ng mga positibo sa nakakamatay na sakit sa mga ospital.

Laman ng bawat kit ang thermometer, bitamina, paracetamol, antibacterial gargle, alcohol, face masks, at pamphlet na naglalaman ng impormasyon sa COVID-19 prevention at pagpapagaling.

“The foundation takes a bold resolution for this year to serve more, serve better, and serve deeper. We are relentless in pursuing this mission, and this homecare kit donation is part of our many efforts this year to help the communities we serve. We follow the lead of our LGUs as they know better the needs of their constituents. We are only helpers of the government,” ayon kay Pitmaster Foundation Executive Director Caroline Cruz.

Sa unang buwan ng taon, nakapamigay na ng 45,000 ang foundation sa Metro Manila, bukod sa mga libu-libong TODA members bukod pa sa ilang rehiyon sa bansa.

Nagbigay na rin ang Pitmaster Foundation ng P100 milyong cash aid at rapid antigen test kits sa mga lokal na pamahalaan ng kapitolyong rehiyon para sa pandemic response.

“Through our contribution to the government, COVID mass testing kits can now be made readily available in every city in the NCR to be able to detect and isolate those who are sick so as not to infect their families or co-workers,” dagdag ni Cruz.

Ang Pitmaster Foundation ang corporate social responsibility unit ng e-sabong operator, Lucky 8 Star Quest.

Read more...