MMDA nagkasa ng reassignments ng traffic officials

Dahil sa inaasahang pagbigat pa ng daloy ng mga sasakyan bunga nang pagpapairal ng Alert Level 1, nagpuwesto si MMDA Chairman Romando Artes ng bagong traffic officials.

Itinalaga ni Artes si Traffic Operations Officer (TOO) IV Edison Nebrija bilang pinuno ng bagong Task Force Special Operations (TFSO) and Anti-Colorum Unit; si TOO IV Jeffrey Torres ang mamumuno na sa EDSA Special Traffic and Transport Zone, kapalit ni Nebrija.

Samantala, si TOO1 D’Arthony John Maquinto ang mamumuno na sa Northern Traffic Enforcement District.

Sinabi naman ni Nebrija na sesentro ang kanilang trabaho sa pagbibigay sa mga motorista ng mga alternatibong ruta sa kanilang pagbiyahe sa Metro Manila.

Read more...