Higit 600 katao, nakatanggap ng COVID-19 booster shot sa Mandaluyong

Photo credit: DOTr MRT-3/Facebook

Umabot sa 610 indibiduwal ang nakatanggap ng COVID-19 vaccine sa unang araw ng ikinasang bakunahan sa SMDC Lightmall, araw ng Huwebes (March 10).

Isinagawa ang naturang programa sa pangunguna ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), katuwang ang City Government of Mandaluyong at SM Development Corporation.

Nakapagbigay ang mga medical personnel mula sa Mandaluyong Health Office at Department of Health (DOH) ng booster shot sa 608 katao, isang 1st dose at isang 2nd dose vaccine.

Nagpatuloy naman ang bakunahan sa 2F Cinema Lobby, SMDC Lightmall sa bahagi ng Boni Avenue sa Mandaluyong.

Sa mga nais magpabakuna, maaaring magrehistro sa mandavax.mandaluyong.gov.ph o magwalk-in sa vaccination site.

May cut-off time ang site registration na 4:00 ng hapon kaya’t siguraduhing nasa loob na ng vaccination site bago sumapit ang nasabing oras.

Read more...