Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang pangunahing kalsada sa EDSA.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang pagsasaayos bandang 11:00, Biyernes ng gabi (March 11).
Narito ang mga apektadong kalsada:
1. EDSA-Caloocan Southbound sa harap ng A. De Jesus St. (5th lane mula sa sidewalk)
2. EDSA Southbound Quezon City mula Panay Ave., hanggang Mother Ignacia St. (2nd lane mula sa sidewalk)
3. EDSA-Quezon City Northbound sa bahagi ng EDSA malapit sa Quirino Highway exit
4. EDSA-Quezon City Northbound mula sa White Plains hanggang B. Serrano Rd. (2nd lane mula sa sidewalk)
5. EDSA-Quezon City Northbound pagkatapos ng Anapolis St. hanggang bago mag-Boni Serrano flyover (2nd lane mula sa MRT line) pagkatapos ng B. Serrano flyover hanggang bago mag-flyover P. Tuazon flyover (2nd lane mula sa MRT line)
6. EDSA-Northbound Ayala Tunnel (Manila Water Restoration activity dahil sa water leak repair)
7. EDSA-Pasay City Northbound innermost lane (bus way) E. Rodriquez St. patungo sa C. Jose St.
Bubuksan muli ang mga apektadong kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (March 14).
Inabisuhan naman ang mga motorista na dumaan mula sa iba pang lanes.