Walong pulis, patuloy na nagpapagaling sa COVID-19

Nasa walo pa ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (March 11), isang pulis ang bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Wala namang pulis na bagong gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, nasa 48,829 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya, habang 48,693 naman ang total recoveries.

Samantala wala ring bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...