LOOK: Lebel ng tubig sa iba’t ibang dam sa bansa

Bumaba muli ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, nasa 194.41 meters ang antas ng tubig ng Angat dam bandang 6:00, Biyernes ng umaga (March 11).

Mababa ito ng 17.59 meters kumpara sa Normal High Water Level na 212 meters.

Nabawasan din ang lebel ng tubig sa Ipo dam (98.72 meters); Binga dam (572.83 meters); San Roque dam (241.90 meters); Pantabangan dam (192.61 meters); Magat dam (169.48 meters); at Caliraya dam (286.47 meters).

Samantala, nadagdagan ang lebel ng tubig sa La Mesa dam (78.26 meters), at Ambuklao dam (746.02 meters).

Read more...