Kaso ng COVID-19 sa mundo, higit 453.75 milyon na

Reuters photo

Mahigit 453.75 milyon na ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 453,755,559 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Pinakamarami pa ring naitalang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos na may 81,108,786 cases.

Sumunod na rito ang India na may 42,984,261 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 29,249,903 naman ang kaso sa Brazil habang 23,308,880 ang napaulat na kaso sa France

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 19,457,976
– Russia – 17,191,300
– Germany – 16,636,606
– Turkey – 14,488,373
– Italy – 13,214,498
– Spain – 11,204,125

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,051,371 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 387,852,667 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...