Presyo ng produktong petrolyo, pinababantayan ni Pangulong Duterte

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan na pag-aralan kung paano matutugunan ang tumataas na presyo ng produktong petrolyo dahil sa giyera sa Ukraine at Russia.

Ayon kay Senador Bong Go, inutusan na ng Pangulo ang National Economic and Development Authority, Department of Energy, Department of Trade and Industry, Department of Finance at Department of National Defense.

Sinabi pa ni Go na inatasan na rin ng Pangulo si Executive Secretary Salvador Medialdea na suriin at bantayan ang presyo para hindi masyadong tumaas.

Pinaghahanda na rin ng Pangulo ang Department of National Defense na agad na gumawa ng kaukulang aksyon sakaling lumala an gang giyera sa Ukraine at Russia.

Ilang mambabatas na rin ang nanawagan kay Pangulong Duterte na suspendihin muna ang excise tax sa produktong petrolyo at magpatawag ng special session.

 

Read more...