P6,500 na ayuda sa 377,000 na drayber, ipamamahagi na ng LTFRB sa susunod na linggo

Sisimulan na sa susunod na linggo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng fuel subsidies sa mga drayber ayt operator ng public utility vehicles (PUV).

Ayon kay LTFRB executive director Tina Cassion, ito ay dahil sa nai-release na ng Department of Budget and Management ang pondo.

Aabot sa P2.5 bilyon ang ini-release ng DBM para sa mga drayber ng PUV at P500 milyon naman ang fuel subsidiya sa mga public transport utility at sector ng agrikultura.

Aabot sa P6,500 ang matatanggap ng bawat 377,000 na kwalipikadong drayber ng jeepneys, UV express, taxis, tricycles, at iba pang full-time ride-hailing at delivery services sa buong bansa.

Samantala, ipamamahagi naman ng Department of Agriculture ang P500 milyon sa mga magsasaka at mangingisda na mayroong fishery machinery o mayroong farmers organization o kooperatiba.

Ayon kay Cassion, magkakaroon ng pagpupulong ang LTFRB at Land Bank of the Philippinas ngayong araw, Marso 11 para ayusin ang takdang araw ng pamamahagi ng ayuda.

 

Read more...