Matapos ang pagdedeklara ng Russia ng giyera sa Ukraine, pinatawan ito ng economic sanction ng iba’t ibang bansa dahilan upang bumagsak ang ekonomiya ng bansa.
Dahil dito, maaring makita ng malalaking korporasyon ang cryptocurrencies upang makaiwas sa mga epekto ng mga economic sanction na makakaapekto sa kanilang mga kumpanya.
“You will see more conversations among corporate finance and treasury officials, Going forward, you will see more adoption,” pahayag ni Mitch Thomas ng Finlynch, isang corporate service firm
Dagdag pa ni Thomas, matapos makita ng mundo ang ginawang sanctions ng western countries sa Russia, malaki ang tsansa na humanap ang malalaking kumpaniya ng mga “non-state, universally accessible and censorship-resistant monetary networks” bilang global settlement system.
Sa ngayon, ilang bansa pa lamang ang nag-aaral sa posibilidad ng crypto adoption bilang bahagi ng kanilang financial systems.
Sa araw ng Huwebes, March 10, 2022 bumaba ang halaga ng top 2 coins na Bitcoin (-7.22%) at Ethereum (-5.59%), kasama na rin ang Altcoins tulad ng BNB (-4.76%), XRP (-2.45%), LUNA (-2.57%), ADA (-5.22%), AVAX (-7.32%) at iba pa.