Base sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH) hanggang sa araw ng Huwebes (March 10), 592 ang bagong naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 3,668,940 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 47,173 o 1.3 porsyento ang aktibong kaso.
Samantala, nasa 57,258 o 1.6 porsyento naman ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 3,564,509 na o 97.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES