Ayon sa PAGASA Hydrometeorology Division, nasa 194.59 meters ang antas ng tubig ng Angat dam bandang 6:00, Huwebes ng umaga (March 10).
Mababa ito ng 17.41 meters kumpara sa Normal High Water Level na 212 meters.
Nabawasan din ang lebel ng tubig sa Ipo dam (98.74 meters); Binga dam (572.96 meters); San Roque dam (242.39 meters); Pantabangan dam (192.94 meters); Magat dam (169.81 meters); at Caliraya dam (286.70 meters).
Samantala, nadagdagan ang lebel ng tubig sa La Mesa dam (78.24 meters); at Ambuklao dam (745.97 meters).
MOST READ
LATEST STORIES