Hirit ni Marcos na ‘Frontliners Day’, pang-epal lang – Robredo camp

Binatikos ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang hirit ng katunggaling si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na ideklarang “Frontliners Day” ang Marso 15 para bigyang pagkilala ang health workers na tumugon sa pandemya.

Ayon kay Erin Tañada, senatorial campaign manager ng kampo ni Robredo, pang-‘epal move’ lamang ang hirit ni Marcos.

“Where was he at the height of the pandemic? What did he do for the frontliners?,” tanong ni Tañada.

Hindi maikakaila na walang ginawa si Marcos.

“I know what VP Leni did. Hindi nga kasya sa one minute ang ginawa niya para sa ating bansa,” pahayag ni Tañada.

Hindi lamang aniya pinangunahan ni Robredo ang pamamahagi ng ayuda kundi tinipon ang volunteers para magsagawa ng libreng swab test at vaccination sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Nag-organisa rin aniya si Robredo ng libreng sakay, shuttle bus, at accommodation sa health workers.

“What the country needs are holistic solutions to health crises, not a holiday declaration,” pahayag ni Tañada.

Sinabi naman ni Senatorial aspirant Teddy Baguilat na dapat dumalo si Marcos sa mga debate at magpresenta ng komprehensibong health plan para ayusin ang public health system sa bansa.

“Sana sumali siya sa mga presidential debates para maikumpara namin ang mga plano niya sa iba, lalo na sa maayos na plano ni VP Leni Robredo,” pahayag ni Baguilat.

“Buti pa ang COVID, kahit maliit nade-detect ang presence, ikaw never. You never ventured out of your protective cocoon. Leni led. You just lay in bed,” pahayag ni Baguilat.

Hirit ni Baguilat, isang sinserong pagkilala ang dapat na ibigay sa health workers.

“If it is not too much to ask, the elimination of graft and corruption in public health should be prioritized,” pahayag ni Baguilat.

“The last thing we need are politicians pandering to us and to the public that their pa-epal move is brilliant,” dagdag ni Baguilat.

Marso 15, 2029, nang unang magpatupad ng lockdown ang pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“Pero wala pa kaming naririnig [kay Marcos] kundi unity,” pahayag ni Baguilat.

Read more...