Pitong pulis, nagpapagaling pa sa COVID-19

Nasa pito ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (March 10), tatlong pulis ang bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Limang pulis naman ang gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, nasa 48,828 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya, habang 48,693 naman ang total recoveries.

Samantala walang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 128 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...