Lagpas 6.04 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,043,977 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 989,473.
Sumunod na rito ang Brazil na may 653,588 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 515,490 naman ang death toll sa India habang 358,246 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 320,410
– Peru – 211,301
– United Kingdom – 162,482
– Italy – 156,357
– Indonesia – 151,135
– France – 139,773
– Colombia – 139,189
– Iran – 138,433
– Argentina – 126,955
– Germany – 125,515
– Poland – 113,002
– Ukraine – 106,784
– Spain – 100,992
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 451,809,254 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 386,093,320 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.