Pacquiao okay sa barangay election postponement, P8-B poll budget ilihis sa COVID 19 response

Suportado ni PROMDI presidential aspirant Manny Pacquiao ang mga panawagan na ipagpaliban ang nakatakdang barangay elections sa Disyembre ngayon taon.

Sinabi pa nito makakakabuti kung ang inilaan na P8 bilyong pondo para sa eleksyon sa barangay ay gamitin na lamang sa patuloy na pagtugon sa pandemya.

Katuwiran ni Pacquiao masyadong maigsi ang panahon sa pagitan ng national and local elections at barangay elections.

“Unang-una, mag-eeleksyon tayo nitong May 9, magkano gagastusin ng gobyerno? Tapos mag-eeleksyon tayo uli ng December, siguro malaki talaga ang gagastusin natin,” ani Pacquiao.

Dagdag pa niya, hindi pa nakakabangon ang bansa sa epekto ng pandemya at kailangan ng pondo para sa response and recovery programs ng gobyerno.

Sinabi pa ni Pacquiao, makakabuti kung ang P8 bilyong budget sa pagdaraos ng barangay elections ay ipang-ayuda na lamang sa mga naghihirap na mga Filipino.

 

Read more...