Sara Duterte sa supporters: UniTeam burger ang isagot sa ‘cancel’

CHONA YU / RADYO INQUIRER ONLINE PHOTO

Pinagbilinan ni vice presidential aspirant Sara Duterte ang kanyang mga tagsuporta na suklian lamang ng kabutihan ang mga umaayaw sa kanila sa social media.

Aniya kung ‘cancel’ ang naging tugon sa kanila, balikan na lamang nila ng ‘Uniteam burger.’

“ Huwag po kayong pumayag na kayo ay batuhin  ng ‘cancel’ dahil sa pangangampanya sa Marcos-Duterte. Kapag kayo po ay binato ng ‘cancel’, batuhin nyo ng burger ng UniTeam ng Marcos-Duterte,” pahayag ni Duterte.

Sa pangangampaniya ni Duterte sa Quezon City, partikular na sa hanay ng mga tricycle drivers, ibinilin nito na pagkakaisa ang plataporma nila ni dating Sen. Bongbong Marcos Jr., ang kanyang presidential candidate.

Mula sa isang terminal ng tricycle, sumunod na pinuntahan ni Duterte ang Payatas.

 

Read more...